• LOGIN
  • No products in the cart.

Login

3 Important Success Lessons From Tagaytay

Nakapasyal ka na siguro sa Tagaytay?

‘Di ba ang sarap mamasyal dun? Malamig, malinis at maraming pwedeng pasyalan.

Last week nagkaron ako ulit ng chance na makapasyal sa Tagaytay kasama ang family ko.

Umattend kami dun ng kasal ng isang kaibigan namin at nagdecide kami na mag—extend ng stay ng ilang araw para makapag-relax. We stayed in Taal Vista Hotel. Second time na namin mag-stay dun and we really like that place.

During our stay may mga lugar kami na pinuntahan. And while visiting those places may 3 important lessons na na-realize.

Gusto kong i-share sa’yo yung 3 lessons na yun dahil naniniwala ako na it can change your life once na maunawaan at ma itong 3 lessons na ‘to.

[images style=”5″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F06%2F11401242_10153350231053361_5334427425569948978_n.jpg” width=”960″ align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]

Lesson #1: Be Good In Solving Problems

Unang pinuntahan namin ay Sky Ranch. Katabi kasi yun ng hotel na pinag-stay-an namin.

Andun yung pinaka mataas na ferris wheel sa Pilipinas… Sky Eye.

Ferris wheel ay isang magandang lesson sa business na ginagawa mo.

Bakit?

Dahil ‘pag sumakay ka sa ferris wheel magsisimula ka muna sa ibaba. Tapos dahan dahan kang aakyat.

Sa una medyo mararamdaman mo na mabagal ang andar. Pero wag kang mainip dahil hindi mo mamamalayan, maya-maya nasa tuktok ka na pala. Nasa pinaka taas ka ng parte ng ferris wheel at kita mo na yung pinaka magandang view.

Katulad din sa business mo… Kung nagsisimula ka pa lang, normal lang na sa una ay nasa ibaba ka. Hindi mo pa alam kung pano gawin ng tama ang business mo, hindi ka pa kumikita, wala ka pang nararanasan na commission.

Tapos sa simula mararamdaman mo din na medyo mabagal ang progress ng business mo.

Wala pa masyadong bumibiling customers, wala ka pa masyadong sales na nako-close, konti pa lang ang sumasali na members sa team mo, etc.

Pero as long as you keep on learning how to do your business the right way at kung patuloy kang gumagawa ng paraan para mag-reach out sa mga target prospects mo, unti unti mong matututunan kung ano yung mga nagwo-work para sa business mo. Dahan dahan makikita mo din ang resulta.

And if you keep on doing what’s working for your business, darating din yung time na makakarating ka sa tuktok. At makikita mo na din yung magandang resulta na hinahanap mo.

At kapag naman nakarating ka na sa tuktok ng ferris wheel, hindi ibig sabihin nun na dun ka na lang forever. Sunod nun ay ang pagbalik mo sa ibaba.

Sa business mo, hindi porket may resulta ka na, at nakatikim ka na ng success, hindi ibig sabihin nun na hindi ka na magkakaron ng mga challenges.

Kahit kumikita ka na ng malaki, minsan may mga pagsubok talaga na dadating.

Kahit sa company na tinayo namin, kahit kumikita na kami ng multiple millions of sales every month, from time to time ay may mga dumadating na challenges… mga hickups.

Normal talaga yun.

Pero ang goal natin as an entrepreneurs ay maging magaling sa paghanap ng solusyon sa mga challenges at problems na dadating sa business natin.

Ito yung ilan sa mga example ng mga possible challenges na makakaharap mo in the future…

Sales for your business may slow down… You need to find solutions.

Your team will be demotivated… You need to find solutions.

Darating yung point na may maninira sa business mo… You need to find solutions.

At marami pang ibang problems.

Kaylangan mo lang humanap ng mga solution sa mga magiging problems ng business mo para bumalik ka ulit sa itaas ng ferris wheel.

Ang magde-determine kung gano kataas ang level ng success na ma-a-achieve mo sa business mo ay kung gaano ka kagaling humanap ng mga solusyon.

[images style=”5″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F06%2F11261802_10153379520008361_296258099920043881_n.jpg” width=”540″ align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]

Lesson #2: Understanding and Forming The Puzzle

Pangalawang pinasyalan namin ay ang Puzzle Mansion. Dito dati nakatira ang yumaong si Gina Gil Lacuna.

At s’ya ay Guiness Book Of World Records holder sa pinaka maraming puzzle na nabuo.

Umabot sa 1,028 na puzzle ang nabuo ni Mam Gina.

Kung di ka pa nakapasyal dun matutuwa ka. Ang lalaki ng mga puzzles na andun. Andun din yung pinaka malaking puzzle sa buong mundo na may 18,000 puzzle pieces. Wheewww ang hirap buoin nun.

Anyway… building a successful business is like completing a puzzle.

Kapag magbubuo ka ng puzzle, ang unang gagawin mo ay hanapin yung mga tamang piraso ng puzzle, tapos pagkakabit kabitin mo sila ayon sa tamang pwesto.

Sa una mas mahirap, pero habang unti unti mo ng nabubuo yung puzzle, mas dumadali na s’ya kasi unti unti mo ng nabubuo at nakikita yung picture sa puzzle.

Parang katulad din ang pagbuo ng puzzle ang business mo.

First thing you need to do is to understand the important pieces of your business.

Kung meron kang online business, kaylangan mong maunawaan pano mag-generate ng traffic, pano mag convert ng leads, pano gumamit ng autoresponder / email followup, pano mag convert ng leads to sale, etc…

Ganun din ako dati. Nag-struggle ako kasi hindi ko naiintindihan yung mga important pieces ng isang online business like lead generation.

Kapag naunawaan mo na lahat ng piraso ng puzzle (important parts of your business), dun mo na s’ya pwedeng pagkabit-kabitin at ilagay sa tamang pwesto.

Sa una mas mahirap, pero habang unti unti mo ng nase-set up ng maayos ang business mo, mas dumadali na s’ya kasi unti unti mo ng nakikita yung resulta. Pwedeng nagsisimula ka ng makapag drive ng traffic sa website mo, nag-start ka ng makakuha ng mga leads and inquiries, etc…

At kapag nabuo mo na lahat ng piraso ng puzzle, yun yung time na makikita mo na yung clearer na picture. Dun mo na makikita yung resulta na hinahanap mo.

You can not become successful in your business hanggat di mo naiintindhan ang mga important pieces ng business mo at hanggat hindi mo napagkakabit-kabit ang piraso ng puzzle.

Kung nasa internet marketing ka, ito yung mga important pieces na kaylangan mong aralin at pagkabit-kabitin.

[bullet_block large_icon=”23.png” width=”” alignment=”center”]

  • 1) Traffic
  • 2) Lead Conversion
  • 3) Sales Conversion
  • 4) Back End Monitization

[/bullet_block]

Kung nasa MLM ka naman, ito yung mga important pieces na kaylangan mong aralin at pagkabit-kabitin.

[bullet_block large_icon=”23.png” width=”” alignment=”center”]

  • 1) Prospecting
  • 2) Presenting
  • 3) Closing
  • 4) Team Building

[/bullet_block]

Kahit anong business model pa ang ginagawa mo, unang kaylangan mong gawin ay maintindihan yung mga important pieces ng business mo.

Then connect those pieces to see the bigger picture.

[images style=”5″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F06%2F11403158_10153379520103361_5392467167252422859_n.jpg” align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]

[images style=”5″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F06%2F10388185_10153348591433361_7897042582075702311_n.jpg” width=”960″ caption=”Puzzle%20Mansion%20Tagaytay” align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]

Lesson #3: Consistent Practice and Improving

Pagkatapos naming mamasyal, kumain kami saglit (medyo nagutom) tapos pumunta kami sa Play Room ng hotel. Dun sa play room naglaro kami ng Billard.

Hindi talaga ko marunong ng larong ‘to. Hindi ko nga alam kung pano ang tamang hawak sa stick. Hindi ko alam ano unang titirahin… Nung nagka-cutting kasi ko nung high school nintendo ang nilalaro ko hindi billard… Ha ha!

Pero sige GO lang! Let’s play the game.

Unang tira sablay… Pangalawang tira nalaglag yung puting pamatong bola (Anong tawag nga ulit dun?)

Pero go pa din ako… Subok lang ng subok… Practice lang ng practice.

Paunti-unti medyo natututo na, nakukuha ko na yung tamang diskarte.

Maya-maya nakaka-shoot na ‘ko. 😀

After namin maglaro hindi ako naging kasing galing ni Efren Bata Reyes pero may mga natutunan ako by simply playing.

In your business that’s exactly what you need to do. You need to practice and play the game para matutunan mo yung mga tamang diskarte.

Kaylangan consistent mong pina-practice ang business mo para makuha mo yung tamang diskarte.

OK lang kahit sa una hindi ka nakakapag-close ng sales.

Pero dapat subok ka lang din ng subok… Practice lang ng practice.

Tapos you need to learn from those experiences.

And most importantly, i-improve mo kung ano man yung mga ginagawa mo.

Recently nagsimula akong mag-conduct ng webinar presentation every week.

Yung unang presentation na ginawa ko medyo sablay.

Pero I make sure na after kong mag-webinar ay panoorin ko yung replay ng webinar na ginawa ko.

Para makita ko kung ano ba yung pwedeng ma-improve.

I make sure na consistently kong ini-inmprove yung ginagawa kong presentation.

Ganun din ang gawin mo!

Get in the game…. Always play the game

Ibigsabihin always practice your profession / business and always look for ways kung pano mo mai-improve ang ginagawa mo.

Isipin mo ‘to…pano ka magiging magaling na online marketer kung hindi ka araw-araw nagma-market?

Pano ka magiging magaling na network marketer kung hindi ka araw-araw nakikipag-network.

Pano ka magiging magaling na speaker/presenter kung hindi ka palagi (o araw-araw kung gusto mo) nag-i-speak / nagpe-present

So there you go. Yan yung 3 lessons na gusto kong i-share sa’yo from Tagaytay.

Ngayon ang tanong… Saan kaya magandang mamasyal sa susunod?

Hhhhhhhmmm….

PS – May natutunan ka ba sa post na ‘to? Post a comment below… 🙂

More Pictures…

[images style=”5″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F06%2F10958809_10153379519578361_5290477570774387461_n.jpg” width=”960″ align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]
[images style=”5″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F06%2F10410364_10153379519728361_3137188451345874623_n.jpg” width=”960″ align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]
[images style=”5″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F06%2F11429973_10153348591208361_1989668079512756080_n.jpg” width=”540″ align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]

[images style=”5″ image=”http%3A%2F%2Fworkwitheduardreformina.com%2Fwp-content%2Fuploads%2F2015%2F06%2F11148731_10153348591498361_8280137227714695306_n.jpg” width=”960″ align=”center” top_margin=”0″ full_width=”Y”]

01/29/2017

0 responses on "3 Important Success Lessons From Tagaytay"

Leave a Message

Your email address will not be published.

Copyright by ClickMarket.PH