• LOGIN
  • No products in the cart.

Login

Here’s What I’ll Do If I Start All Over Again

Friday ng gabi, pasakay na ‘ko ng Jeep. Bitbit ko yung pupugak-pugak na laptop ko, at isang USB mic na nabili ko lang sa CDR King (sa halagang ₱140).

Papunta ‘ko sa bahay ng partner at kumpare ko, dahil first time kong magre-record ng “sales video presentation” para sa network marketing company na hinahataw namin.

Pupunta ko sa kanila kasi makigamit ako PC, hindi kasi uubra yung mabagal at naghihingalong kong laptop.

Panay palpak yung mga unang subok, inabot na ko ng alas 3:AM ng madaling araw sa kaka-record. Panay pa tilaok ng manok kaya paulit-ulit. Nagiingat pa kong wag masyadong lakasan yung boses ko, tulog na kasi si misis n’ya at anak n’ya baka magising. 😀

Natatawa na lang ako pag naaalala ko ‘yung mga time na ‘yun, sobrang tiyaga ko pala datin.

Pero very thankful ako dahil naranasan ko yung experience na ‘yun, kahit mahirap dun ko natutunan at dun ko kasi nasabi sa sarili ko na talagang pag gusto mo ang isang bagay, makakagawa at makakagawa ka ng paraan.

Kung sakaling magsisimula ulit ako from Zero, I will do exactly the same (siguro may konting shortcut na dahil may idea na ko na kung ano yung mga hindi magwo-work at kung ano yung magwo-work). Kung isa kang networker na nagsisimula, ishe-share ko sa post na ‘to yung mga maipapayo ko na gawin mo para magkaresulta sa business mo. Hindi ko sinasabi na ito lang ang nagiisang paraan para makapag-build ng malaking team, pero ito yung nag-work sa’kin at naniniwala ako na magwo-work din ito sa’yo kung willing ka lang din s’yang gawin.

Itong 8 Steps na mababasa mo sa baba ay yung eksaktong ginawa ko na naging dahilan kaya ko nagawang makapag-generate ng 84,000+ leads, makapag recruit ng mahigit 1,000+ members, makapag build ng malaking team, at kumita ng multiple 7 figure income sa businesses ko.

1. Know your Goal – Hindi ka pwedeng mag-start ng business na wala kang very specific na goal. Actually pwede naman kaso nga lang baka walang mangyari sa’yo. Kaylangan kasi ay meron kang inaasinta. Kung wala kang inaasinta, ingin mo ba may tatamaan ka? Tanungin mo ang sarili mo…

“Ano ba yung specific na gusto kong ma-achieve dito sa business ko?”

  • Gusto mo bang kumita ng ₱100,000 per month?
  • Gusto mo bang kitain yung iyong 1st Million?
  • Gusto mo bang makabili ng kotse?

Ano yung specific na gusto mong ma-achieve? Nung nag-start pa lang ako isa sa mga unang goal ko ay kumita ng mahigit sa ₱100,000 na income every month at kitain yung 1st million pesos ko . Tapos lahat ng energy ko at focus ko ay tinuon ko para makuha yung mga goal na ‘yun.

2. Know your WHY – Sunod na gagawin mo ay alamin mo kung bakit mo gagawin ang business mo, at anong reason bakit mo gustong makuha yung specific goal mo?

Habang ginagawa mo na ang business mo, may mga kapalpakan ka na magagawa, may mga kontrabidang negative ka na makakausap, at may mga pagsubok ka na pagdadaanan.

Ibat-ibang mga challenges ang mae-experience mo, may maliit, may mga simple at may mga talagang nakakaiyak.

Ngayon kung hindi mo alam ang DAHILAN bakit mo ginagawa mo ang business mo, or much worst wala kang kahit anong dahilan, mabilis kang susuko sa mga pagsubok na ‘yun. Baka kasama ka sa mga mabilis magku-quit.

Imporatante yung WHY mo dahil yun ang gasulina mo sa business na ‘to, yun yung magtutulak sa’yo na magtuloy-tuloy kahit anong mga challenges pa ang mae-experience mo.

Last night may nag message sa’kin, sabi n’ya… “Medyo tinatamad daw s’ya sa business n’ya” pero ayaw n’ya daw magkaganun, at ano daw ba ang maa-advice ko. Tinanong ko s’ya… “Ano bang dahilan mo bakit ka nag-business?” Natagalan s’ya sa pagisip at sa pagsagot. Kaya s’ya na-stuck at tinatamad dahil wala syang reason why. Para sa’kin ang WHY ko dati kaya ko gusto kong kumita ng 6 figures income sa business ko every month ay para mabigyan ng mas maayos na buhay ang pamilya ko.

Nung nagbabanda pa lang kasi ‘ko, pasulpot-sulpot ang kita, minsan meron minsan wala. Siguro lagpas sampung libo lang kinikita ko kada buwan. Kulang na kulang yun lalo na ‘pag pamilyado ka na.

Gusto ko naman ma-hit yung 1st million ko para makabili rin ng sariling sasakyan. Kung dati luho ang magkasasakyan, ngayon necessity na ‘sya. Ilang beses na kayang nalagay sa piligro ang buhay ko sa pagko-commute. Muntik mahold up, na-snatchan, na slashan, muntik mabundol, etc. Hindi pa kasama d’yan yung lagi kang naloloko ng mga mapagsamantalang taxi drivers. Ayoko ko ng ma-experience ulit yung mga ganun at lalong ayokong maexperience ‘yun ng asawa’t anak ko.

3. Know WHO Wants your business – Ang isa sa pinaka valuable na information na nalaman ko simula pa lang nun, ay kung sino ba yung mga TAMANG tao na magkaka-interest sa business ko. Yan yung isa sa malaking problema ng mga networkers. Naturuan kasi sila na prospekin lahat… Kahit sino within 10 feet ay kaylangan nilang kausapin.

Ako pinipili ko lang kung sino yung kakausapin ko. Hindi ako nagaaksaya ng kahit maikling oras sa mga taong hindi naman magiging interesado. Ang tawag dun sa concept na ‘yun ay Target Marketing. Naituro ko na din yang concept na ‘yan sa ilang mga training ko tulad dun sa Alpha Attraction Marketing.

Dapat sa business mo, alamin mo kung sino lang yung mga tamang tao na kinakausap mo para hindi ka nagaasakya ng valuable na oras mo sa mga unqualified, not interested at mga negative na mga prospects.

4. Know what you NEED – Kapag alam mo na kung sino ang target Market mo, ang susunod na kaylangan mong malaman ay kung ano yung mga kaylangan mo para ma-hit ang goals mo.

Sa opportunity business market, simple lang ang kaylangan mong magawa…

Mapakita sa mga tamang mga prospects ang presentation ng opportunity mo.

Para magawa mo ‘yan sa internet, may 3 bagay ka na kaylangan…

A. Kaylangan mong ng single WEBPAGE (Take note NOT a complete website isang page lang) na dedicated sa pag-build ng iyong email list OR prospects list.

Lead Capture Page ang tawag sa website na ito.

Dalawa lang ang trabaho n’yang lead capture page.

1st ay salain ang mga interesado mula sa mga hindi.

2nd collect the info ng mga interesado para mapa-follow up mo sila.

Here’s an example of a lead capture page…

 

B. Nung time na nagsisimula ako, dalawang webpage lang ang ginagamit ko. Isa nga dun ay yung “Lead Capture Page” at yung isa naman ay tinatawa na “Sales Page”.

Page kung saan nakalagay ang video presentation ng business opportunity o products mo.

Pagkatapos mag signup ng prospect sa lead capture page, dun na sila mapupunta sa “Sales Page” mo para makita ang benefits ng business program mo.

Ngayon, kung part ka na ng Team natin, syempre hindi mo na kaylangang gumastos at magpago para gawin ang mga ‘yan, dahil kasama ‘yan sa system na ginagamit natin.

Here’s an example of a Sales Page na ginagamit ng team ko…

 

Example of a Sales Page

C. Kapag may Lead Capture Page ka na at Sales Video Page… now it’s time for some ACTION!

Kaylangan mo ng magpapunta ng mga tao sa website mo… Ang tawag d’yan ay “Driving Traffic”.

Maraming paraan para mag-drive ng traffic, pwede ka gumamit ng Blog, ng Videos, ng Email, Private Message, FB posts, FB ads, FB Notes, at kung anu-ano pa.

Yung ibang traffic strategy d’yan medyo kumplikado, yung iba sobrang simple lang.

Pero parehas ay pwedeng mag-work para sa’yo. Ikaw ang bahalang pumili kung ano ang mas OK sa taste mo, sa personality mo. Pero sa’kin ang pinaka nag-work ay email, blogs at videos.

Ikaw kahit anong channel o strategy pa ang mapili mo, tandaan mo lang basta marunong kang mag create ng Curiosity at ng Interest sa marketing at mga promotions mo, sapat na ‘yun para makapag drive ng traffic sa websites at offer mo.

Pano sila magiging interested? Simple lang, talk about what they (your target prospects) want, or talk about how you can help them solve their problems.

Pano naman sila maku-curious? Simple lang bitinin mo sila.

5. Know the PROCESS – Isa sa mga trabaho mo kapag nagsisimula ka pa lang ay alamin mo yung tama at magkakasunod na proseso ng negosyo mo. In our team, our simple process ay parang ganito…

STEP 1: Magpapunta ng mga tao sa website nila.

STEP 2: Let their prospects watch a video presentation.

STEP 3: Magantay ng mga inquiries mula sa mga prospects na ready ng mag-join.

That’s it. Ganyan lang kasimple. Hindi kaylangang mamilit, hindi kaylangang mangulit, hindi kaylangang mang-hype. Just follow the process and let the system help you. Pero importante na naiintindihan ng mga ka-team ko yung process.

Pano naman ang process ng pagkausap, It’s actually simple. Meron kaming ginagamit na 8 simple steps para ma-close ng madali ang mga prospects. And this closing is very simple kahit sino kayang gawin. Pero ang best part ay… it WORKS like magic. Promise! Pero sa ngayon sa personal team ko lang s’ya tinuturo. Mamaya sasabihin ko sa’yo kung pano mo malalaman itong 8 steps na ‘to, so keep on reading…

Ikaw, may sinusunod ka bang process sa business mo? Kaylangan meron.

6. Understand your Business Model – Your business model is all about sponsoring people and selling products. That’s it! Kung hindi ka kumportable sa dalawang ‘yan, maganda maghanap ka na lang ng ibang career.

WHY?

Simple lang… Kasi kaylangan mong mag-sponsor ng mga tao at mag-benta ng mga products, at kaylangan mo din turuan mga downlines mo pano mag-recruit at mag-benta, para ka makapag-build ng malaking organization. At kapag may malaki ka ng organization dun ka kikita ng malaki. Dun ka mapapabilang sa mga ina-awardan sa stage tuwing may company event.

Ngayon kung hindi ka passionate d’yan sa dalawang ‘yan, wala kang mararating sa business na ‘to promise. So I suggest start embracing the idea of sponsoring/recruiting and selling.

Don’t get me wrong. Hindi mo kaylangang mamilit para makapag-sponsor at makabenta. Milyon-milyong tao ang gustong magkaron ng financial freedom, kumita ng extra. Kaylangan alam mo lang kung pano sila hahanapin.

Sa team namin, never kaming namilit, namusakal ng mga tao. Dahil tinuturuan namin ang mga miyembro namin ng tamang marketing strategies para mga prospects na interesado ang ko-contact sa kanila. Astig ‘di ba?

Ito yung mga example ng mga everyday inquiries na natatanggap ko at ng mga ka-team ko…

 

Everyday inquiries from prospects

7. Take Action while Learning – Yung iba akala nila kaylangan muna nilang malaman lahat ng marketing strategy at closing technique bago sila kumilos. Kaya ilang buwan na, ayun nagte-training pa din at wala pa ding napo-produce na resulta. Takot kasi sila na magkamali.

Tandaan mo, importante din na magkamali ka. Dahil tuwing magkakamali ka, dun ka mas matututo. Eventually dadating yung time mauubusan ka na ng maling gagawin at ang matitirang magagawa mo na lang ay yung mga tama.

Always remember… Action = Results

Magkaka-resulta ka sa pamamagitan ng paggawa ng aksyon.

Here’s a TIP: Kapag may natutunan kang bago, kahit simple lang… i-apply mo kagad. Tapos obserbahan mo kung anong feedback sa’yo nung ginawa mo. OK lang kahit may palpak at mga mali sa una, kasi mako-correct mo yung mga palpak na ‘yun. That’s how you learn in this business. You learn by doing. Hindi mo kaylangang malaman ang lahat bago ka magsimulang gawin ang business mo.

8. Build on your small successes/results –

Kung tatanungin mo ‘ko ngayon ng…

“Eduard, pano mo kinita yung 1st Million mo?”

Simple lang ang isasagot ko sa’yo!…

“By showing & teaching people kung pano ko nagawang kumita ng ₱100,000.”

Pano mo kinita yung ₱100,000 mo? Simple! By showing & teaching people how I made my P60,000.

Pano mo kinita yung ₱60,000 mo? Simple! By showing & teaching people how I made my P10,000.

Pano mo kinita yung ₱10,000 mo? Simple! By showing & teaching people how I made my first commission.

Our business is all about getting small results to get Bigger and BIGGER results. That’s it. Sa simula gagamitin mo yung mga “Small Wins” mo para ma-achieve yung BIGGER Wins mo. There you go! Sundin mo lang ‘yang 8 steps na ‘yan and go take massive action.

REMEMBER: Pag gusto mo ang isang bagay, makakagawa at makakagawa ka ng paraan. Binigay ko na sa’yo yung mga paraan… Gagawin mo na lang. 😉

Kung marami kang natutunan sa post na ‘to, make sure to comment below. Pwede mo din itong i-share.

PS – Kung pagod ka ng mapagod, kung hirap ka ng mahirapan sa busines mo, naghahanap ako ng mga taong willing makinig para matuto, at willing gawin yung mga kaylangang gawin para magka-resulta. Kung wiling kang matuto at gawin yung kaylangang gawin, I’m willing to show you kung ano yung susnod na gagawin mo…

You can Start HERE <—–

01/27/2017

2 responses on "Here's What I'll Do If I Start All Over Again"

  1. Thanks for comments

Leave a Message

Your email address will not be published.

Copyright by ClickMarket.PH